SINALUBONG ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga labi ng overseas Filipino workers (OFWs) galing sa bansang Italy at ang isa ay galing sa United Arab Emirates (UAE).
Lumapag ang mga ito sa Terminal 1 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang pagsalubong at asiste ng OWWA ay kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno.
Tinulungan din ng OWWA na ma-facilitate at ma-release ang labi ng mga OFWs para sila ay makauwi sa kani-kanilang mga pamilya.
Bukod pa rito, naging busy ang OWWA Repatriation Team galing Terminal 1, 2, at 3 sa mga dumating na distressed OFWs galing Jordan, Qatar, Bahrain, Jeddah, Dubai, at Kuwait.
Kasama na rito ang isang OFW na galing Dammam, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na sinundo ng ambulansiya at inihatid papuntang Ilagan City, Isabela.
Kahapon din isang OFW na may karamdaman ang inasikaso ng OWWA galing Hong Kong ng OWWA Airport Team.
Siya ay inendorso na makauwi papuntang General Santos via Cebu Pacific Air.
Samantala, sa Terminal 1 dalawang distressed OFW ang sinalubong ng ahensiya mula Bahrain.
Matatandaan noong nakaraang linggo nag-assist din ang OWWA Airport Repatriation Team sa mga OFW na galing Singapore, Bahrain, Qatar, KSA, Kuwait, UAE at Guam, Turkey at Hong Kong.
Sila ay sumailalim ng airport protocols at binigyan ng airport assistance ng OWWA Airport Team na naka-antabay sa mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan ng medical assistance.
Samantala, kahit nag-brown out ang NAIA Terminal 3 kung saan may mga ilang flights ang na-hold sa loob.
Naka-antabay pa rin ang OWWA Team para asikasuhin ang mga OFWs.