2 lalaki nakaduct tape ang mukha natagpuang patay sa Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal

2 lalaki nakaduct tape ang mukha natagpuang patay sa Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal

NATAGPUANG patay ang dalawang lalaki sa bahagi ng Sitio Udiongan, Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa mga residente, halos wala nang saplot ang mga biktima nang matagpuan ang mga ito.

Ang mga labi ng mga hindi pa nakikilalang biktima ay nakasilid sa isang nylon bag, may nakatali pang nylon sa kanilang mga kamay at paa, at ang kanilang mga mukha ay nakaduct tape.

Wala pang impormasyon ang mga awtoridad ukol sa motibo ng krimen at kung sino ang may kinalaman sa insidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter