2 Lalaking natagpuang patay sa La Carlota City kinilala na ng kanilang mga pamilya

2 Lalaking natagpuang patay sa La Carlota City kinilala na ng kanilang mga pamilya

POSITIBONG kinilala ng mga naiwang pamilya ang dalawang natagpuang patay sa La Carlota City na si Alyas Atong, 32 anyos na unang natagpuan. Isa itong pintor at may live-in partner at residente ng Barangay 6, Bacolod City.

Habang ang isa pa ay kinilalang si Alyas Followup, 29 anyos at may dalawang anak at residente ng kaparehong lugar.

Linggo ng umaga nang matagpuan ang dalawang salvage victim sa tubuhan ng Hacienda San Roque, Barangay Cubay, La Carlota City, Negros Occidental.

Ang unang natagpuang biktima ay may tattoo sa kanang balikat, hubad at puno ng putik ang katawan habang ang mukha ay balot ng masking tape habang ang ikalawang biktima naman ay nakabalot ng trapal.

Naniniwala si Police Capt. Rosinie Cabuena, deputy chief ng siyudad, na hindi sa La Carlota pinaslang ang mga biktima kundi sa ibang lugar at doon lamang sila itinapon para iligaw ang imbestigasyon ng kapulisan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble