2 lider ng CTG, nasawi matapos ang engkuwentro sa Misamis

2 lider ng CTG, nasawi matapos ang engkuwentro sa Misamis

NASAWI sa engkuwentro ang dalawang lider ng communist terrorist group (CTG) habang patay naman ang isa pang miyembro nito sa magkakahiwalay na operasyon na ginawa ng mga tropa ng 29th Infantry Battalion at 16th Infantry Battalion sa Jabonga, Agusan del Norte at Gingoog City, Misamis Oriental.

Mayo 21, 2024, araw ng Martes, nakatanggap ng impormasyon ang kasundaluhan mula sa mga residente ng Brgy. Bal-ason, Gingoog City, Misamis Oriental patungkol sa presensiya ng teroristang CPP-NPA na nangingikil ng pera sa nasabing lugar.

Kaya agad nagsagawa ng operasyon ang 16IB, tumagal ng 10 minuto ang bakbakan sa pagitan ng militar at ng mga NPA na nagresulta sa pagkasawi nina Zaldy Galamiton alias Shaggy na secretary ng Sub-Regional Committee 1 at Jhonjhon Ayuma Ramos alias Erbing, na tumatayong commanding officer ng SRSDG Eagles.

Habang noong Mayo 20, 2024, araw ng Lunes isang CTG member na kinilalang si Berto Dayong alias Sadam ang napatay naman sa engkuwentro sa Sitio Madbad, Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte.

Dahil dito pinuri ni MGen. Jose Maria R. Cuerpo II, Commander ng 4ID ang naging mabilis na aksiyon ng mga sundalo sa sumbong ng taong bayan dahil aniya dito natutulungan ang pamahalaan na makamit ang kapayapaan sa Misamis Oriental at Agusan del Norte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble