Top 2 Most Wanted CTG member, sumuko sa pamahalaan

Top 2 Most Wanted CTG member, sumuko sa pamahalaan

TULUYAN nang tinapos ng 4th Infantry Division (ID) ang paghahasik ng kaguluhan ng communist terrorist group (CTG) na nag-ooperate sa lalawigan ng Bukidnon matapos na sumuko sa mga awtoridad ang isang regional high-ranking CTG leader sa tropa ng 403rd Inf Bde ng 4ID na pinangunahan ni BGen. Michele Anayron Jr. sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ang nasabing CTG Leader ay kinilalang si Randy Bayot alias Gov/Kap, 48 taong gulang at residente sa Sitio Sunny Day, Brgy. Butong, Quezon, Bukidnon.

Si alyas Kap ay nagsilbi sa komunistang teroristang grupo bilang spokesperson, 2nd Deputy Secretary, Finance Officer ng Regional Staff, at North Central Mindanao Regional Committee.

Kasamang sumuko ni alyas Kap ang iba pang miyembro nito kasunod ng ginawang serye ng focused military operations, intelligence and psychological operations na ginawa ng 1st Special Forces Battalion, 8IB, 88IB, 26IB at Intelligence Units.

Kasama rin sa isinuko nila ang limang M16 rifle at isang M14 rifle.

Ayon kay alyas Kap, napagdesisyonan niyang sumuko sa pamahalaan dahil sa walang tigil na operasyon ng militar na naglalayong buwagin ang mga natitirang CPP-NPA sa nasabing lugar.

Dagdag pa rito ang matinding pagod, kagustuhang maging ligtas at ang pagnanais na makabalik sa kaniyang mahal na pamilya ang nagtulak sa kaniya upang sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.

Base sa impormasyon ng 4ID, ang nasabing CTG leader ay isa sa mga top most wanted high-ranking ng rebeldeng grupo na nahaharap sa two counts of murder, multiple frustrated murder, destructive arson, kidnapping and serious illegal detention.

Ayon kay Major General Jose Maria Cuerpo II, Commander ng 4ID hinangaan niya si Bayot dahil sa pagsuko nito at bumalik sa gobyerno upang makamit ang kapayapaan.

Naniniwala rin si MGen. Cuerpo na ang pagsuko ni Bayot ay magdudulot ng mas marami pang rebelde na babalik sa pamahalaan.

“This progress displays the end of terror of the CTG in Bukidnon and continue the opportunity for development and progress,” ayon kay MGen. Jose Maria Cuerpo II, Commander, 4ID.

Sinabi ng opisyal na magsilbi sana itong tanda para sa mga natitirang miyembro ng CTG na hindi pa huli ang lahat para gumawa ng panibagong buhay.

“Hopefully, this will leave a mark to the minds of the remaining personalities that it is not yet too late to return to the folds of the law and start a new life,” ani Cuerpo.

Kasabay ang panawagan na sundan ang yapak ng mga dati nilang kasamahan na ngayon ay tinatamasa na ang mga benepisyo ng pamahalaan na inilaan para sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble