NASAWI dahil sa mataas na temperatura ang dalawang magsasaka sa Spain habang nag-aararo sa bukid.
Ayon kay Francisco Martinez Arroyo, Minister of Agriculture, Water and Rural Development ng Autonomous Castilla-La Mancha Region, nasawi dahil sa heat wave ang isang 46 taong gulang mula sa Cinco Casas, Ciudad Real at isang 47 taong gulang mula sa Aznalcollar, Seville na nahilo habang nag-aararo sa bukid.
Payo ni Martinez sa mga magsasaka, gumamit ng mga panangga sa init kapag nasa labas na nasisinagan ng araw ang trabaho.
Samantala, isang babala ang inilabas sa walong komunidad nitong Lunes kabilang ang Cordovan at Seville na may red alert.