ALAS singko ng umaga nitong Mayo 2 nang nagkabangggaan ang bangka ng dalawang mangingisda na kinilalang sina Rene Reyes Awas alyas “Ag-ag” at Bjay Manayos alyas “Bodon” na pawang mga residente ng Malingin, Bien Unido sa Bohol.
Patay na ang isa sa mga biktima nang matagpuan ng rescuers habang ang isa’y naitakbo pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Inaalam pa ng mga kapulisan kung sino ang may-ari at sakay ng bangkang bumangga sa mga biktima na agad tumakas matapos ang insidente.
Inanunsiyo naman ni Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado na magkakaloob ito ng P300K pabuya sa sinumang makapagtuturo sa nakabanggang bangka at mga sakay nito.