2 minutong paliligo, ipatutupad sa mga residente ng South Africa dahil sa water shortage

2 minutong paliligo, ipatutupad sa mga residente ng South Africa dahil sa water shortage

HINIMOK ng Rand Water at Johannesburg Water ang mga residente na bawasan ang pagkonsumo ng tubig sa gitna ng lumalalang kakulangan ng tubig.

Ayon sa dalawang water company, posibleng bumagsak ang sistema dahil sa mababang lebel ng tubig sa mga reservoir.

Kabilang sa mungkahi ng mga water supplier ang paglimita sa paliligo ng dalawang minuto lamang, paghuhugas o paglilinis ng sasakyan tuwing weekends lamang at gagamitan pa ng timba.

Ipinahihinto rin ng mga water company ang paglalagay ng tubig sa mga swimming pool, pagdidilig gamit ang malinis na tubig sa mga garden at sa mga lawn at agarang pagsasaayos sa mga tumatagas na tubig o gripo.

Kasalukuyang isinailalim ang Johannesburg sa taunang water restrictions na madalas nangyayari tuwing dry season sa pagitan ng buwan ng Setyembre at Marso.

Follow SMNI NEWS on Twitter