2 miyembro ng BIFF sumuko sa tropa ng militar sa Maguindanao del Sur

2 miyembro ng BIFF sumuko sa tropa ng militar sa Maguindanao del Sur

SUMUKO sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Bungos Faction (BIFF -BF) kamakailan.

Ang dalawa ay nagtungo sa mga sundalo na nagsasagawa ng military operation sa Datu Saudi Ampatuan at Datu Salibo, Maguindanao del Sur.

Pinuri naman ni Lt.Gen. William Gonzales, commander ng Western Mindanao Command, ang tropa ng 6th Mechanized Battalion dahil sa matagumpay na pagsuko ng mga dating tinaguriang “violent extremists”.

Kasabay ang pangako na matatanggap ng dalawang sumuko at suporta at tulong mula sa pamahalaan.

Kasamang isinuko ng mga ito ang isang Caliber 30 M1 Garand rifle na may 16 na rounds ng bala at isang Ultimax.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter