DALAWA na ang naitalang nasawi dahil sa epekto ng habagat na pinalakas ng Bagyong Goring at Hannah.
Ito ay batay sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang naitalang dalawang nasawi ay under validation pa maging ang isang nawawala at isang nasaktan.
Aabot na rin sa mahigit 418,000 katao o higit 114,000 pamilya ang apektado mula sa 1, 469 na barangay.
Higit 500 bahay rin ang nawasak kung saan ang 405 ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA at Region 6.
Naipaabot na rin ang mahigit P20.9-M halaga ng tulong sa mga apektado tulad ng family good packs, hygiene kit, family kit, sleeping kit, hot meals, clothings, bottled water at iba pa.