2 NPA, sumuko sa pulisya sa Palawan

2 NPA, sumuko sa pulisya sa Palawan

SUMUKO ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Concepcion, Puerto Princesa, Palawan.

Kinilala ni PRO Mimaropa director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia ang mga sumuko na sina alyas Ka Tes, 45 taong gulang, at Ka Raffy, 36 taong gulang.

Itinuro din nila ang imbakan ng armas ng NPA sa Barangay Binduyan, kung saan narekober ng mga pulis ang dalawang improvised anti-personnel landmine, isang rifle grenade, mga uniporme, at dokumento.

Nasa kustodiya na ang dalawa ng Puerto Princesa City Police Office para sa debriefing bago tuluyang maisama sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa datos ng PRO Mimaropa mula Enero 1 hanggang Oktubre 19, 2022, nasa 129 dating miyembro at tagasuporta ng NPA ang sumuko sa pulisya at 52 armas ang nakumpiska.

Follow SMNI NEWS in Twitter