ISASARA simula Hunyo 29 ang dalawang outer lanes ng Mindanao Ave.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), aasahan na ng mga motorista na makararanas sila ng matinding trapik dito.
Partikular na sa maapektuhan ang Congressional Ave. at Tandang Sora Ave.
Ang pagsasara ng dalawang outer lanes ay para bigyang-daan ang konstruksiyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project.