2 pasahero sa Bohol Airport, arestado dahil sa bomb joke

2 pasahero sa Bohol Airport, arestado dahil sa bomb joke

SINABI ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na ang mga pasahero ng Cebu Pacific flight 5J617 ay nagbiro tungkol sa bomba paglapag ng eroplano noong Sabado nang 11:20 A.M.

Agad na rumesponde ang CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) matapos makatanggap ng impormasyon mula sa tower personnel. Sinunod ang mga safety protocols, at hiniling ng piloto ang agarang paglilikas ng mga pasahero at pagsusuri sa bagahe.

2 pasahero ang inaresto ng pulisya matapos marinig ng isang flight attendant ang kanilang biro.

12:43 P.M nakumpirma ng mga awtoridad na walang anumang pampasabog sa eroplano, lahat ng pasahero at crew ay ligtas, at muling nagsimula ang operasyon ng paliparan.

Pinaalalahanan ng CAAP ang publiko na ang pagbibiro tungkol sa bomba ay isang malubhang krimen ayon sa Presidential Decree No. 1727, na may parusang pagkakakulong ng hanggang 5 taon at multa na hanggang P40K. Hinimok din nila ang mga pasahero na maging maingat at responsable sa kanilang mga sinasabi para sa kaligtasan ng lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble