2 piloto ng PH Navy, nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa Cavite City

2 piloto ng PH Navy, nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa Cavite City

 NASAWI ang dalawang piloto ng Philippine Navy sa pagbagsak ng isang helicopter sa Cavite City.

Base sa imbestigasyon, isang Robinson R22 helicopter na ginagamit na training aircraft ng PN ang bumagsak ilang metro na lamang sa Naval Station Sangley Point.

Kinilala ang mga biktima na sina Ensign Izzah Taccad PN at LT Jan Kyle Borres PN.

Sinabi ni AFP spokesperson, Col. Francel Padilla alas-6:30 umaga ng Huwebes Abril 11, 2024 nang maganap ang trahedya sa likod ng Cavite City Public Market.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter