2 sa 4 na Pinoy na naiulat na nawawala matapos ang malakas na pagyanig sa Myanmar, nasawi─DFA

2 sa 4 na Pinoy na naiulat na nawawala matapos ang malakas na pagyanig sa Myanmar, nasawi─DFA

UMAKYAT na sa dalawang Pilipino ang kumpirmadong nasawi sa Myanmar matapos ang pagtama ng magnitude 7.7 na lindol noong Marso 28.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na natagpuan na ikalawa sa apat na Filipino nawawala sa nangyaring lindol sa Myanmar ngunit wala na itong buhay.

Matatandaan na niyanig ng 7.7 magnitude na lindol ang bansang Myanmar noong Marso 28.

Sa bahagi ng Sagaing region Myanmar, dahilan sa pagkawala ng apat na Pilipino doon.

Samantala, agad naman naabisuhan ang mga pamilya ng mga namatay.

Sa ngayon gusto muna ng mga kamaganak ng privacy sa nangyari sa kanilang kaanak.

Nitong Miyerkules, unang kinumpirma ng DFA ang pagkasawi ni Francis Aragon na nagtatrabaho bilang guro sa naturang bansa.

Sa ngayon, wala pang dagdag na impormasyon ang DFA sa dalawa pang Pilipino na nananatiling nawawala.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter