PINARANGALAN ng Certificate of Commendation ang dalawang security guard ng Metro Rail Transit (MRT-3) matapos mahuli ang dalawang pasahero sa magkahiwalay na insidente sa Cubao.
Kinilala si SG Evelyn Andres matapos mahuli nito ang isang pasahero na may dalang firearm magazine na loaded with ammunitions.
Habang nadiskubre naman ni SG Reynaldo Angoluan ang isang pasahero na humihithit ng marijuana sa isang comfort room sa GMA Kamuning Station ng MRT-3.
Pinuri naman ni MRT-3 General Manager Engr. Federico Canar ang kahusayan ng dalawang sekyu dahil maayos nilang nagampanan ang kanilang trabaho.