2 Storey PNP Press Corps building, itatayo sa Kampo Krame

2 Storey PNP Press Corps building, itatayo sa Kampo Krame

PINANGUNAHAN ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. ang ground breaking ceremony sa itatayong 2 Storey PNP Press Corps building sa Kampo Krame.

Isinagawa ito araw ng Huwebes, April 20, 2023.

Bahagi ito ng pinagandang serbisyo ng PNP Public Information Office sa paghahatid ng mga makabuluhang balita at kaganapan sa loob ng organisasyon.

Sa kaniyang talumpati, personal na nagpasalamat si General Azurin sa PNP Press Corps sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga programa at mga proyekto ng PNP sa ngalan ng kapayapaan at seguridad ng publiko.

Follow SMNI NEWS in Twitter