2 sundalo sugatan matapos ang engkuwentro sa Kalinga

2 sundalo sugatan matapos ang engkuwentro sa Kalinga

MAGKASUNOD na nakasagupa ng kasundaluhan ng 103rd Infantry Battalion at 98th Infantry Battalion sa ilalim ng 503rd Infantry Brigade ang mga komunistang teroristang NPA sa bahagi ng Balbalan, Kalinga.

Ayon kay Maj. Rigor Pamittan tagapagsalita ng 5th Infantry Division ng Philippine Army. araw ng Biyernes nitong Mayo 31, 2024 unang nangyari ang sagupaan bandang alas-diyes trenta ng umaga sa pagitan ng kasundaluhan ng 103rd Infantry Battalion.

Tinatayang nasa 10 miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) Baggas sa bahagi ng Brgy. Balbalan Proper, Balbalan, Kalinga.

Aniya dahil sa sumbong ng mga residente kaya nila natunton ang rebeldeng grupo.

“Sa patuloy na operasyon na isinasagawa ng ating mga kasundaluhan sa probinsya ng Abra ay natunton natin ang mga myembro ng  Komiteng Larangang Guerilla (KLG) Baggas sa tulong ng ating mga kababayan na nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan nitong armadong grupo,” saad ni Maj. Rigor Pamittan, Spokesperson, 5th Infantry Division.

Sa nasabing engkuwentro, narekober ng kasundaluhan ang isang M14 Rifle, isang Springfield Rifle, iba’t ibang klase ng mga bala, dalawang improvised explosive devices (IED), mga kagamitan sa pampasabog at mga personal na gamit.

Kasunod nito, bandang ala-una ng hapon sa kaparehong araw ay nakasagupa ng 98th Infantry Battalion ang papatakas na armadong grupo sa bahagi ng Brgy. Balantoy, Balbalan, Kalinga.

Sa nabanggit na sagupaan dalawang sundalo ang nasugatan habang narekober naman ang isang M16 rifle, dalawang bagpack, isang IED, blasting caps, samu’t saring mga gamot, mga subersibong dokumento, at mga iba pang personal na kagamitan ng NPA.

Sinabi naman ni Maj. Pamittan na nasa maayos na kondisyon na ang dalawang sugatang sundalo.

“At dun sa pagkakasugat nitong sila Cpl. Jonard Addatu at PFC Rojemar A. Cuyen na sa ngayon ang dalawang sundalo natin ay nasa maayos na kalagayan,” dagdag ni Pamittan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa na tinutugis ng 5th ID ang mga tumakas na rebelde.

“Tuluy-tuloy po hanggang sa mga araw na ito ang isinasagawa nating pursuit operation para matugis itong nga remaining members KLG Baggas,” ani Pamittan.

Base sa inisyal na report na natanggap ng 5thID, may mga nakitang dugo sa mga lugar na dinaanan ng mga NPA kaya posible aniya may sugatan sa panig ng mga tumatakas na rebelde.

“Sa latest na mga report sa ating ground force ay meron po silang mga nakitang bakas ng dugo na marahil ay galing o doon sa mga nagtatago pang mga myembro ng KLG Baggas at tinataya nating may mga sugatan sa kanilang hanay,” ani Pamittan.

Siniguro naman ni Maj. Pamittan sa publiko na walang nadamay na sibilyan habang ginagawa nila ang naturang operasyon.

Sa kabila ng maigting na operasyon para tugisin ang natitirang miyembro ng KLG Baggas ay ang walang humpay na panawagan ng Kalinga Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mga natitirang miyembro ng komunistang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan at yakapin ang buhay na payapa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble