PERSONAL na dinaluhan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Maria Cristina Garcia-Frasco ang pagpapasinaya ng dalawang Tourist Rest Area (TRA) ngayong araw sa lalawigan ng Cebu.
Matatagpuan ang nasabing mga imprastraktura sa syudad ng CarCar at bayan ng Moalboal ng nasabing probinsya.
Simula nang maupo si Garcia bilang DOT Secretary, ito na ang pang walo at siyam na TRA.
Nauna nang pinasinayaan ang mga TRA sa Manolo Fortich sa Bukidnon, Samal Island sa Davao del Norte, Baguio City, Pagudpud sa Ilocos Norte, Dauis sa Bohol, Carmen at Medellin sa Northern Cebu.