NAGSALPUKAN ang 2 vintage military planes sa isang World War II commemorative airshow sa Dallas, Texas, USA.
Sangkot sa aksidente na nangyari noong Sabado sa Texas ay ang World War II-Era Boeing B-17 Flying Fortress Bomber at isang Bell P-63 Kingcobra Fighter.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA), hindi pa tiyak kung ilang tao ang nakasakay sa dalawang nagsalpukan na aircraft.
Sinabi ni Hank Coates, ang President at CEO ng Commemorative Air Force na nakatutok sa preservation ng World War II Combat Aircraft, 4-5 katao ang normal na sakay ng B-17.
Ang P-63 naman ang ino-operate lang ng single pilot subalit hindi matiyak ni Coates kung ilan ang nakasakay rito sa araw ng aksidente.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng FAA at National Transportation Safety Board (NTSB) ang sanhi ng aksidente.