NASAWI ang nasa 20 katao at daan-daan ang nananatiling missing mula sa isang boat accident na nangyari sa Lukeni River, Western Congo kamakailan.
Nasa 46 naman ang na-rescue.
Sa mga ulat, ang lumubog na bangka ay may kabuuang 300 pasahero.
Gabi pa nang ito ay maglayag noong nakaraang linggo bago bumangga sa nauna nang lumubog na barge.