NASA P136M halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang drug buy-bust operation sa South China Sea Green Valley Subdivision, Brgy. Dontogan, Baguio City, nitong Martes, 25 Marso 2025.
Nasa 20 kilo ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga tauhan ng PDEA RO NCR, PDEA RO CAR, at PNP mula sa apat na suspek, kabilang ang isang police personnel.
Agad na dinakip ang mga suspek para sa mas malalim pang imbestigasyon, lalo na’t isang alagad ng batas ang sangkot sa ilegal na droga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 ang mga suspek habang nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad ang mga ilegal na droga at ilang non-drug items.