200 manggagawa sa ilegal na POGO hub sa Makati inaresto

200 manggagawa sa ilegal na POGO hub sa Makati inaresto

INARESTO ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nasa 188 na umano’y mga manggagawa sa isang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility sa Makati.

Sa ulat, isang manhunt lang sana para sa isang suspek sa pagnanakaw ang gagawin ngunit humantong na ito sa pagkakatuklas ng POGO hub sa 21-storey na Yuchengco Tower sa Makati nitong Miyerkules, Marso 19, 2025.

Sa naturang bilang, 135 ang dayuhan kung saan 85 ay Chinese, 26 ang Malaysian, 11 ang Taiwanese, 5 ang Japanese, at tig-2 ang mga Vietnamese at Indonesians.

Tig-iisa naman ang mula sa Mongolia, Myanmar, Brazil at Saint Kitts and Nevis.

Samantala, nasa 53 ang mga manggagawang Pilipinong naaresto mula rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble