200 rekomendasyon ng UN Human Rights Council, tinanggap ng PH delegation

200 rekomendasyon ng UN Human Rights Council, tinanggap ng PH delegation

279 ang ibinigay na rekomendasyon ng UN Human Rights Council sa Pilipinas sa ginanap na Universal Periodic Review sa Geneva Switzerland kamakailan.

Ito ang inihayag ng PH delegation sa pangunguna ni Justice Secretary Crispin Remulla sa isang media conference nitong Lunes, Nobyembre 21.

Mula sa naturang bilang, 79 ang kanilang idinefer gaya ng same sex marriage, abortion at legalisasyon ng diborsyo sa Pilipinas.

Katwiran ni Remulla, pagdating sa diborsyo, ang bagay na ito ay nakadepende pa sa Lehislatura.

Habang sa same sex marriage, naniniwala ang kalihim na hindi pa handa rito ang bansa.

Ilan naman sa mga rekomendasyon na agad na tinanggap ng PH delegasyon ay para sa kapakanan ng mga bata, kababaihan at maging sa mass media.

Ayon kay Remulla, bagong development ang napakaraming rekomendasyon na tinanggap ng bansa ngayon.

Sinabi rin nito na may dalawang darating na special repertoire sa bansa na may kinalaman sa kapakanan ng mga bata, at sa freedom of expression and mass media na makatutulong aniya sa capacity building ng bansa.

Meron din aniya silang inimbitahan na special repertoire para sa EJK na makatutulong na mapaunlad ang forensic investigation sa bansa.

Sa taong 2023, inaasahan ang pagdating ng mga naturang special repertoire sa Pilipinas.

Follow SMNI News on Twitter