2023 Chinese Film Week sa Myanmar, opisyal nang binuksan

2023 Chinese Film Week sa Myanmar, opisyal nang binuksan

OPISYAL nang binuksan sa China Cultural Center sa Yangon ang 2023 Chinese Film Week na may screening ng limang Chinese movies.

Mahigit na 100 opisyal ng gobyerno at kinatawan mula sa magkabilang panig ang dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng kaganapan.

Ang film week na gaganapin ng hanggang sa Lunes ay sama-samang inorganisa ng Chinese Embassy sa Myanmar, China Media Group at ng China Cultural Center sa Yangon.

Ayon kay Union Minister for Information U Maung Maung Ohn ng Myanmar, ang pagbubukas ng seremonya ay makakatulong sa mga mamamayan ng Myanmar na mas maunawaan ang China at itaguyod ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

“Through the films, we could feel that the Chinese government values the people and struggles for the people. We could learn from them where we need to improve and what the government should do for the people. I hope more of such activities will be held in the future,” ayon sa isang opisyal.

Ayon sa isang opisyal, sa pamamagitan ng mga pelikula, naramdaman nila kung paano pinahahalagahan ng gobyerno ng China ang mga taong nasasakupan nito at ang pakikibaka para sa seguridad ng mga mamamayang Tsino.

Aniya, maaaring kumuha ang ibang mga bansa ng kaalaman mula sa China kung paano pagbubutihin ang pagpauunlad ng bansa sa tamang paraan na walang naapakan at kung ano ang dapat gawin ng gobyerno para sa mga mamamayan nito.

Ipalalabas sa loob ng limang araw ang limang Chinese movies at TV dramas kabilang na ang Dream of the Red Mansions, Detective Chinatown 1, The Journey to the West at ang dokumentaryo na A Bite of China Season 2.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter