2023 National Championships for Road, itinakda sa May 30-June 2, 2023

2023 National Championships for Road, itinakda sa May 30-June 2, 2023

ITINAKDA ngayong Mayo 30 hanggang sa Hunyo 2 ang 2023 National Championships for Road na gaganapin sa Tagaytay City at Batangas.

Ito ang kinumpirma ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling).

Tampok sa naturang championships ang mga kompetisyon ang massed start, criterium at individual time trial para sa men and women elite, sa kategorya ng juniors para sa may edad 17 at 18 taong gulang at sa mga youth na may edad 16 na taong gulang pababa.

Itinakda naman sa April 30 ang deadline ng registration habang sa May 5 ang announcement ng mga eligible cyclist.

Ang National Road Championships ay suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, Tagaytay City, Cavite 8th District, Province of Cavite, Batangas 1st District, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter