2024 Pasinaya Open House Festival sa Libya, ginaganap ngayong araw

2024 Pasinaya Open House Festival sa Libya, ginaganap ngayong araw

NGAYONG araw Pebrero 16, 2024 ang Pasinaya Open House Festival 2024 sa Libya!

Sa Pasinaya sa Libya, target ng Philippine Embassy ang maipakilala ang Philippine arts and culture sa Filipino community sa Libya at magtataguyod ng cultural exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.

Isa sa tampok sa festival ang pagpapakita ng music videos kung saan featured ang modern interpretation ng Philippine folk lullabies.

Katuwang ng Philippine Embassy sa Libya ang Cultural Center of the Philippines.

Para sa 2024 edition, tinatayang nasa mahigit 50,000 ang dadalo sa festival.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble