2025 national budget, aabot sa P6.2-T

2025 national budget, aabot sa P6.2-T

AABUTIN hanggang P6.2-T ang magiging national budget sa taong 2025 ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Gaya ng para sa taong 2024 ay tutukan ng pondo para sa susunod na taon ang kalusugan, edukasyon, at ang “Build Better More” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang Commission on Elections (COMELEC) naman ay makatatanggap ng mataas na pondo para sa gaganaping 2025 midterm elections.

Bagama’t hindi pa pinal, kung ikukumpara sa 2024 national budget, mas mataas ng P432-B ang para sa 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble