MATAGUMPAY na isinagawa ang 2025 Satellite Office Summit Conference ng Office of the Vice President (OVP) sa Bacolod City nitong Enero 29-31, 2025.
Layunin ng aktibidad na suriin ang accomplishments ng bawat OVP Satellite Office noong nakaraang taon at pag-usapan ang strategic directions ng OVP para sa taong 2025.
Saklaw rin ng aktibidad ang pagsusuri sa mga hakbang upang mas maging epektibo at mabisa ang Tanggapan sa pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino.
Ang OVP ay patuloy na maglilingkod sa sambayanan sa pamamagitan ng mga programang may pangmatagalang epekto—para sa Dios, Bayan, at bawat Pamilyang Pilipino.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.