2026 budget ng OVP, itinaas ng DBM

2026 budget ng OVP, itinaas ng DBM

TUMAAS sa P903M ang panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026.

Batay ito sa aprubadong rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM).

Malinaw ring kinumpirma ng tanggapan na wala nang nakalaang confidential fund sa naturang alokasyon.

Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Ruth Castelo, nasa P733M ang orihinal na halagang hiniling ng kanilang tanggapan para sa 2026.

Ngunit dinagdagan ito ng DBM at ginawang P803.6M.

Kasunod nito, minabuti ng OVP na humiling pa ng karagdagang pondo na gagamitin para sa dagdag na empleyado ng ahensiya at pagbili ng IT equipment.

Dahil dito, ang kabuuang proposed 2026 budget ng OVP na aprubado ng DBM ay umabot sa P903M.

Wala na rin silang hiningi pang confidential funds.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble