TIMBOG ang isang Chinese national na kinilalang si Li, 35 nayos, residente ng Mandaluyong City kasunod ng ikinasang buy bust operations sa isang parking lot ng kilalang fast food chain sa Bacoor City, Cavite, March 21, 2025.
Nasamsam mula sa suspek ang ilang shabu, at ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P217.6 milyong piso na nakasilid sa palstic bag.
Nakuha rin ang apat na sachet na may lamang 35 piraos ng kulay pulang ecstasy tablets na nagkakahalaga ng 42 libong piso, isang Honda City at mga personal na gamit ng suspek.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 o Sale of Illegal Drugs at Section 11 o Possession of Illegal Drugs, ng Article II of Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Mahigpit na binabantayan ngayon ang suspek kasunod ng impormasyon na sangkot ito sa malawakang distribusyon ng ilegal na droga sa bansa.
“The arrested Chinese national has been under our tight watch for quite some time now under COPLAN: “Mafioso”. He is capable of distributing voluminous amounts of illegal drugs, and is now behind bars.”