22 libo katao, na-scam ng Digicars Auto Trading

22 libo katao, na-scam ng Digicars Auto Trading

LUMAPIT sa SMNI ang 50 katao mula sa 22K na mga biktima ng auto financing firm na Digicars Auto Trading.

Ang modus, nag-aalok ng mas mababang halaga na monthly amortization ang Digicars Auto Trading sa mga biktima nito.

Pero bago pumasok sa nasabing kasunduan, pinagbabayad muna ng 30% down payment ang mga biktima mula sa orihinal na halaga ng kinuhang yunit ng sasakyan.

Pero ayon sa mga biktima, halos karamihan sa kanila ay nahatakan na ng mga sasakyan sa pag-aakalang regular na hinuhulugan sila ng Digicars sa kanilang buwanang bayarin sa kanilang sasakyan, hanggang sa nabatid na hindi na pala sila binabayaran ng nasabing kompanya.

Para sa ilan, pinilit na lamang nila na huwag mahatak ang kanilang sasakyan at nagbayad na lamang ng penalty habang patuloy nilang hinuhulugan ang bayarin hanggang sa matapos ang kanilang kontrata.

Sigaw ngayon ng mga biktima, ibalik ang kanilang pera at papanagutin ang pamunuan ng nasabing auto financing firm.

Bukod sa mga negosyante, nabatid din na may PNP personnel, at Coast Guard din ang biktima ng nasabing scam.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter