24 pulgada ng niyebe, nararanasan sa ilang bahagi ng California, USA

24 pulgada ng niyebe, nararanasan sa ilang bahagi ng California, USA

UMABOT na sa 24 na pulgadang niyebe ang bumabalot sa ilang parte ng California sa Estados Unidos.

Partikular itong nararanasan sa Sierra Nevada, isang mountain range sa California.

Paalala ng national weather service ng Sacramento, California na mag-ingat sa biyahe ang mga residente dahil mahirap ang pagmamaneho sa nabanggit na lugar.

Maliban pa dito, sinabi ng weather service na maraming mga daanan ang sinarado na at may iba na ring inabisuhan na mag-evacuate.

Follow SMNI NEWS in Twitter