246 barangay, irerekomendang mapabilang sa “red category” para sa BSKE

246 barangay, irerekomendang mapabilang sa “red category” para sa BSKE

IREREKOMENDA ng Philippine National Police (PNP) na mailagay sa “red category” o areas of grave concern ang 246 barangay para sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong araw.

Ayon kay Fajardo, irerekomenda rin nila ang 1,248 barangay na mapabilang sa “orange  category” at 1,100 barangay sa “yellow category”.

Tatalakayin ang nasabing rekomendasyon sa magiging pulong ng Joint Peace and Security Coordinating Center kung saan kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Matapos nito, isusumite nila sa Committee on Firearms Ban and Security Concerns ang pinal na rekomendasyon na pagdedesisyunan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter