IKINOKONSIDERA ang lahat ng 25 lungsod at bayan ng Negros Oriental bilang ‘areas of concern’ para sa eleksiyon ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa sinabi ng COMELEC-Negros Island Region, partikular na nasa Red Category ang Guihulngan City at La Libertad.
Orange Category ang Basay City habang ang mga natitirang lungsod at bayan ay nasa Yellow Category.
Sa color-coding system ng Philippine National Police (PNP), ang mga lugar na nasa ilalim ng red category ay may seryosong banta mula sa mga armadong grupo at may kasaysayan ng mga insidente na may kaugnayan sa eleksiyon.
Ang mga nasa Orange Category ay may umiiral na seryosong banta mula sa mga armadong grupo, habang ang nasa Yellow Category ay may kasaysayan ng election-related incidents.