26 na lugar sa bansa, apektado ng mapanganib na Heat Index — PAGASA

26 na lugar sa bansa, apektado ng mapanganib na Heat Index — PAGASA

PILIPINAS – Abril 22, 2025 — Ramdam na ramdam na ang matinding init ng panahon sa malaking bahagi ng bansa habang umabot sa danger level ang heat index sa 26 na lugar ayon sa ulat ng PAGASA ngayong araw.

Sa kanilang pinakahuling advisory, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na umabot na sa 46°C ang heat index — o ang init na nararamdaman ng katawan kapag isinama ang humidity sa aktwal na temperatura ng hangin.

Pinakamataas na Heat Index ngayong Araw:

Dagupan City, Pangasinan – 45°C

Tuguegarao, Cagayan – 44°C

Aparri, Cagayan – 43°C

Echague, Isabela – 43°C

Baler, Aurora – 43°C

Subic Bay / Olongapo City – 43°C

Sangley Point, Cavite City – 43°C

Puerto Princesa, Palawan – 43°C

Aborlan at Cuyo, Palawan – 43°C

Dumangas, Iloilo – 43°C

Danger Level Alert

Kapag ang heat index ay nasa 42°C pataas, itinuturing na itong nasa “danger level,” kung saan maaaring makaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at kung hindi maagapan, heat stroke.

Paalala ng PAGASA: Umiwas sa matagal na exposure sa araw sa pagitan ng 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m., uminom ng sapat na tubig, at magsuot ng magagaan at preskong damit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble