MALAKI ang kaibahan ngayon ng buhay ng mga dating kalaban ng bansa kumpara noong nasa kabundukan pa ang mga ito habang nagtatago mula sa gobyerno.
Ito ang unang naramdaman ng nasa 279 na mga dating kasapi ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa Agusan del Norte sa isinagawang Christmas Party para sa kanila.
Ayon sa karamihan, emosyonal sila dahil sa muling pagkakasama-sama ng kanilang mga mahal sa buhay at ngayon ay magkakasamang ipinagdiwang ang Pasko na walang halong takot o pangamba.
Sa ilalim ng suporta ng lokal na pamahalaang probinsiya ng Agusan del Norte, 29th Infantry Battalion at 23rd Infantry Battalion, muli nilang naramdaman ang kaligtasan at seguridad ng kanilang buhay kapiling ang pamahalaan.
Mababanaag ang saya at galak sa mukha ng mga former rebel habang nakikilahok sila sa mga palaro, at mga papremyong inihanda para sa kanila.
Ayon kay BGen Jorge Banzon, Commander, 901st Brigade, wala silang ibang iniisip kundi ang kalayaan ng mga rebelde mula sa karahasan at kapahamakan habang nakikipagsapalaran ang mga ito sa mga kabundukan bilang mga kalaban ng estado.