INANUNSYO ng Philippine Airlines (PAL) na kanselado ang 28 flights nito ngayong araw, Oktubre 24 na mula at papunta ng Cebu dahil sa pansamantalang pagsasara ng runway ng Mactan-Cebu International Airport.
Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, kanselado ang biyahe nito na mula Manila, Cagayan de Oro, Clark, Bacolod, Tacloban, Puerto Princesa, Tagbilaran, Butuan, Davao at Iloilo patungong Cebu o vice versa.
Matatandaan pasado alas onse kagabi nang mag-overshoots sa runway ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) ang isang pampasaherong eroplano mula sa Korea ng Korean Air Air KE 631.
Sa kasalukuyan pansamantalang itinigil ang lahat ng operations ng MCIA habang nakansela o nadelayed ang mga flights sa papunta at paalis ng Cebu.