SINIMULAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation proceedings para sa 29 dayuhang POGO workers na naaresto sa isang resort na ginawang POGO hub sa Silang, Cavite.
Maliban sa legal proceedings laban sa dayuhang POGO workers ay maghahain na rin ng kaso ang immigration laban sa renters at operators ng resort.
November 2024 nang unang i-monitor ng mga awtoridad ang tinutukoy na resort sa barangay Lalaan 2 sa Silang.
Noong January 15, 2025 lang nang ito ay i-raid ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Sa 29 na naaresto, 23 at Chinese habang 6 ang Burmese o Myanmar nationals.
Follow SMNI News on Rumble