ARESTADO ang nasa 29 na foreign nationals kasunod ng isinagawang raid sa isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Silang Cavite nitong Miyerkules, Enero 15, 2025.
Susi ng operasyon ang sumbong ng may-ari ng isang resort sa Silang, Cavite kung saan nag-ooperate diumano ang isang Guerrilla type POGO at dito naaresto ang 29 na foreign nationals kasama na ang 6 galing sa Myanmar at 22 mula sa Mainland China.
Katuwang sa operasyon ang mga kinatawan ng PNP CIDG CALABARZON Regional Field Unit, Bureau of Immigration Fugitive Search Unit, Cavite Police Provincial Office, at Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Agad namang inisyuhan ng mission order ng Bureau of Immigration ang mga dayuhan.