290 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang ligtas na nakauwi sa bansa mula Lebanon nitong Oktubre 26, 2024.
Ito na ang pinakamalaking bilang ng repatriates na nakauwi mula Lebanon.
Binigyan naman sila ng P75K bawat isa mula sa DMW action fund; P75K rin mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); at P20K mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa kabuuan, nasa 903 OFWs na at 47 dependents ang napauwi ng gobyerno simula nang magkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Lebanon.