PINANGUNAHAN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagbibigay serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakaranas ng VIP lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-1.
Ito ang dating lugar ng VIP lounge noong hindi pa nagagawa ang OFW lounge sa NAIA Terminal-1.
Ilang buwan nakalilipas ang bagong dedicated space para sa mga papaalis na OFW ay binuksan na.
Si Anna patungong Taipei ang kauna-unahang nag-avail na iniaalok na libreng serbisyo ng OFW lounge sa unang araw ng pagbubukas nito.
Si Joey naman na mahigit 10 taon nang pabalik-balik sa Singapore, ramdam niya na pinahahalagahan sila ng pamahalaan bilang OFW.
Ayon naman kay OWWA administrator Arnell Ignacio, simple lang ang hinihinging requirements para maka-avail ng VIP lounge.
Ayon din kay Ignacio, deserving ang mga OFW na makaranas ng bagong lounge na ito.
Bukod sa makakarelaks ang mga OFW habang naghihintay ng kanilang flights, may untimed food at drinks, Wi-Fi, charging stations, assistance desk, at iba pa na maaaring ma-avail ng mga OFW nang libre.
Matatandaan, una nang isinusulong ni OFW Party-list Rep. Marissa ‘del Mar’ Magsino na magpatayo ng OFW lounge sa mga international airport sa buong bansa.
Bukod sa NAIA Terminal-1 ay magbubukas na rin ng OFW VIP lounge sa Terminal-3.