2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill, opisyal na binuksan sa Mandaluyong City

2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill, opisyal na binuksan sa Mandaluyong City

PINANGUNAHAN ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) ang ikalawang kwarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na ginanap sa Greenfield District, Mandaluyong City.

Mainit na sinalubong ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Sr. ang mga kalahok kabilang ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DOST, DILG, DSWD, NEDA, MMDA, OCD, Mandaluyong Local Government Unit, and Greenfield Development Corporation.

Sa nasabing lungsod, isinagawa ang ceremonial pressing of the button para sa opisyal na pagsisimula ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Isa ang Mandaluyong City sa mga kinikilalang business district ng National Capital Region kung kaya’t mahalaga ito sa paghahanda ng lungsod para sa inaasahang pagtama ng The Big One.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter