TATLO hanggang apat na porsyento lang sa kabuoang 600 ng full colonels at generals sa Philippine National Police (PNP) ang direktang sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, ang naturang tansya ay mula mismo kay PNP chief Rodolfo Azurin Jr.
Sinabi nito na batay sa short list, ang mga sangkot na mga general at colonel ay mahaba-haba na ang panahon sa serbisyo at may mga pera, kapangyarihan at resources na.
Sa isasagawang imbestigasyon naman sa lahat na naghain ng courtesy resignation, sinabi ni Abalos na magtatagal ito ng 3 buwan.
Sinumang mapatutunayang sangkot sa kalakaran ay mahaharap sa kasong kriminal.