3 Abu Sayyaf supporters sa Sulu, sumuko sa militar

3 Abu Sayyaf supporters sa Sulu, sumuko sa militar

KUSANG loob na sumuko sa pamahalaan partikular na sa mga militar ang tatlong supporters ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Nakipag-ugnayan ang tatlo sa mga tauhan ng 1101st Infantry Brigade sa ilalim ng pamumuno ni Brig. General Eugene Boquio ng Bud Bayug, Talipao, Sulu.

Ang nasabing 3 surrenderees ay kilalang mga supporter ng ASG sub leader na si Abduljihad Susukan, aka Idang.

Isinuko rin ng tatlo ang kanilang mga armas gaya garand rifle, isang carbine rifle at isang caliber 45 pistol.

Nagpasalamat ang militar sa desisyon ng tatlo kasabay ng panawagan nito sa mga natitira pang supporters ng terorismo sa probinsiya na sumuko na at magbagong buhay.

Nito lamang Setyembre 8, nang iprinisenta rin ng miltar kay Defense Secretary Gilbert Teodoro ang 30 ASG returnees sa gitna ng pagdiriwang ng 633rd Bangsa Sug Day.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter