ISINASAILALIM ngayon sa masusing imbestigasyon ng PDEA Region 3, matapos maaresto ang tatlong Chinese national dahil sa pagbebenta ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 sa buy-bust operation kaninang alas 3:15 ng madaling araw ng Martes, Hunyo 4, 2024 sa Camelia Street, Timog Park Subdivision Angeles City Pampanga.
Batay sa inisyal report ng PDEA Region 3, kay Director General, Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga suspek na sina Liao Hong Tao, 31, Li Guo, 37, Wan Lee, 41, na pawang mga Chinese national.
Nakuha rin sa mga naarestong suspek ang isang SUV unit at iba’t ibang unit ng cellphone na pinaniniwalaang ginagamit sa POGO operation sa nasabing lungsod.
Ayon sa mga ahente ng PDEA, halos isang taon nanatili sa bansa ang mga naarestong suspek.
Bukod sa 500 gramo ng shabu, narekober din ang iba’t ibang unit ng cellphone na ginamit sa POGO operation.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag ng Seksyon 5 (pagbebenta ng mga mapanganib na droga) kaugnay ng Seksyon 26B (conspiracy to sell drugs) ng Republic Act 9165.
Kasalukuyang ang mga suspek ay nasa jail facility ng PDEA Region 3 sa San Fernando City Pampanga.