3 CTG sa Oriental Mindoro, hindi dinukot ng militar

3 CTG sa Oriental Mindoro, hindi dinukot ng militar

NILINAW ng kasundaluhan sa Oriental Mindoro na hindi dinukot ang tatlong CTG sa lugar.

Hindi na bago ang mga propaganda ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF kagaya na lamang ng mga pag-iimbento ng kuwento at gumawa ng kasinungalingan sa tuwing may nahuhuli o sumusuko na mga miyembro nila.

Ngayon na may nahuli na namang tatlong miyembro ng NPA, kaliwa’t kanang propaganda na naman ang isinisigaw ng mga rebeldeng grupo araw ng Linggo, September 23, 2023 nahuli ng 203rd infantry brigade ng 2nd infantry division ang tatlong NPA sa pamamagitan ng military operation sa Oriental Mindoro.

Kinilala ng mga sundalo ang mga NPA member na sina Job Abednego David, Peter Del Monte at Alia Encelo.

Base sa impormasyon na nakalap ng military, nang tatlo ay sakop ng Main Regional Guerilla Unit (MRGU).

Sa nasabing operasyon, balak pa sanang lumaban ng tatlong rebelde ngunit nagkusa na ang mga ito na sumuko nang makita nilang napapalibutan na sila ng militar.

Sa kuha mula sa posesyon ng tatlong NPA ang mga improvised landmines, mga granada sa loob ng kanilang bag na balak sanang gamitin sa pag-ambush sa tropa ng pamahalaan.

Sa isang virtual forum sinabi ni BGen. Randolph Cabangbang commander ng 203rd infantry brigade, sa ilalim ng 2nd infantry division na nagkukumahog ang mga rebeldeng grupo na maibalik sa kanilang kampo ang tatlong NPA na nahuli dahil maaaring ito ang tatapos sa kanilang kilusan sa Oriental Mindoro.

Paliwanag ng opisyal na kung ibubulgar ng tatlo ang kanilang taktika ay malamang katapusan na ng mga NPA sa kanilang nasasakupan.

“I believe sila po ay nagmamadali na kunin ‘yung tatlo because they are worried na kung itong tatlo ay mag cooperate, I think katapusan na nila. Napakahina na nila dito sa Mindoro, nahuli pa ‘yung tatlo na magbubulgar ng kanilang mga bulok na taktika. I think that will be the end of them in Mindoro,” ayon kay BGen. Randolph Cabangbang, Commander, 203rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Division.

Nilinaw din nito na hindi nila dinukot at sinaktan ang tatlong nahuling NPA, aniya ang mga pahayag ng mga magulang at kaanak ng tatlo ang patunay na trinato nila ng maayos ang tatlong NPA ay wala na aniya balak na bumalik pa ang tatlo sa walang kwentang kilusan.

“Katulad nga po ng sinabi ni Job, the three requested that they will be under the custody of 203rd brigade, custody hindi detained because they are already afraid na sila po ay kunin at ibalik uli sa hukbo. I think they are already retired, gusto nila na magbagong buhay, that is why napag-isip-isip nila na dito na muna sila sa amin,” dagdag pa ni BGen. Cabangbang.

Nilinaw din ng kaanak ng tatlong NPA na nasa mabuting kamay ang kanilang mga mahal sa buhay at hindi pinabayaan o sinaktan ng mga sundalo.

“Kaya iyon pong sinasabi ng Gabriela Youth na ang anak ko ay dinukot at pinahihirapan hindi po totoo ‘yun, mariing ko po ‘yung pinabubulaanan dahil hindi po iyon ang pangyayari, ako po ay saksi na nakarating sa kampo na maayos po ang lagay ng bata,” ayon kay Liana Encelo Ina ni Alia.

“Mula sa aming buong pamilya lubos po kaming nagpalasalamat sa mga sundalo ng 2nd Infantry Division at 203rd Brigade Philippine Army sa inyong pagtulong na maibalik ng ligtas ang aming kapatid na biktima lamang po ng armadong NPA,” ayon naman kay Shiela Del Monte, kapatid ni Peter Bella Del Monte, Ina ni Peter Cu.

“Ako po ay nagpalasalamat Gen Cabangbang sa kaniyang hanay, sa kaniyang platoon na siya po ang kumopkop sa aking anak na Job David,’’ pahayag naman ni Jerome Christopher David, Tatay ni Job.

Sa ngayon, hindi tumitigil ang kasundaluhan sa kanilang panawagan sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na magbalik loob na sa pamahalaan, tanggapin ang mga programa ng gobyerno upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter