ISINARA ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tatlong language training centers sa Bulacan at Cebu.
Partikular na ipinasara ang Iwa Language Learning Center sa Malolos, Bulacan; Aseanway Learning and Development Center sa Calumpit, Bulacan; at Aseanway Learning and Development Center sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ang mga ito ay sangkot sa ilegal na pagre-recruit at human trafficking.
Sa ulat, naniningil umano ang Iwa Language Learning Center ng halagang P50K – P70K sa mga trainiee.
Kapalit ito ng trabaho sa Japan, Korea, at ilang bansa sa Europa bilang mga factory worker, hotel staff, agricultural worker, at fruit picker.
Ang dalawa pang learning centers ay may kaparehong modus operandi ayon sa DMW.