3 nasawi, 14 nasugatan, sa riot sa loob ng Bilibid

3 nasawi, 14 nasugatan, sa riot sa loob ng Bilibid

SUMIKLAB ang riot sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa na ikinasawi ng tatlong inmates habang sugatan naman ang 14 Linggo ng gabi.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag, umabot sa isang oras ang kaguluhan bago naawat at napayapa ng Quick Response Team ang nasabing lugar.

Umabot hanggang hatinggabi naman ang clearing operations ng mga operatiba.

“Violence started from verbal heckling with adjacent dormitories at the East Quadrant unti a gunshot was heard and it started an exchange of gunshots from improvised firearms,” pahayag ni Chaclag.

Narekober sa pinangyarihan ang isang .22 caliber revolver na may siyam na bala, isang improvised .45 caliber pistol na may anim na empty shell, dalawang improvised 12-gauge pipe guns, at 16 na matutulis na bagay.

Pito sa persons deprived of liberty (PDLs) ang pinaniniwalaang nagpasiuna ng kaguluhan ang inilipat sa isolation area.

“Appropriate disciplinary measures will be applied. In-depth investigation is being done and it expected more participants in the violence will be identified,” dagdag ni Chaclag.

SMNI NEWS