3 personnel ng QCPD, inirereklamo ng isang abogado kaugnay sa road rage incident sa lungsod

3 personnel ng QCPD, inirereklamo ng isang abogado kaugnay sa road rage incident sa lungsod

NAHAHARAP sa isang reklamo ang tatlong personnel mula sa Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa road rage incident ng isang dating police at siklista.

Ang mga reklamo ay nakahain kina Police Staff Sergeant Darwin Peralta, Joel Aviso at Police Executive Master Sergeant Armando Carr na pawang mula sa QCPD Traffic Sector 4 ng Kamuning.

Ang bike enthusiast at abogadong si Raymund Fortun ang naghain ng reklamo.

Aniya, halata naman na may pagmamalabis ang dating police sa nangyari laban sa siklista subalit wala man lang inihain na reklamo o kaso ang mga nabanggit ukol dito.

Wala ring nakaisip na mai-secure ang CCTV footages sa area para mailahad ang totoong nangyari.

Agosto 8 sa isang viral video post, nakita ang dating police na si Willie Gonzales na nasagi ang sasakyan nito ng isang siklista.

Ito ang dahilan ng kaniyang galit laban sa siklista.

Makikita rin si Gonzales na binatukan ang siklista hanggang sa naglabas ng kaniyang baril kasabay ng pagbabanta.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble